Talaga! Nakakainis si Frank! Pambihira...
Alam naman ng lahat na padating sya nung Friday pa lang di ba? Kaya lang hindi naman inaasahan na mapapadaan sya ng ganun katagal at kalakas sa parteng ito ng Luzon... Pabago-bago ng isip. Pambihira.
Sabado ng umaga pa lang malakas na sya. As in. Di na ako nakalabas pa ng bahay para bumili ng pagkain kaya ang lunch ko, breakfast food, at nung hapunan, Century Tuna at salted eggs na kinabukasan na ang best before na date. Wahaha.
Di ako nakatulog ng gabing yun. Kasi nag-start na syang magparamdam... Talagang sino ba naman ang makakatulog sa ingay nya? Aba, at ang Frank na ito at mahangin pala ha. Daig pa nga nya sina Cosme at Enteng e, yung mga nauna sa kanya? Pambihira.
At nang mamatay ang kuryente madaling araw ng Linggo, hay... alam ko nang dusa na ang darating na maghapon. Dahil wala naman sa plano na magbabad sa bahay ng maghapon ng Linggo, wala na akong pagkain almusal pa lamang. Kakainis. Idagdag pa ang katotohanang wala namang kuryente, ang hirap magpakulo ng tubig at maginit ng tinapay!!! Si Frank talaga, nakakainis!!! At nuon ko rin lamang na-realize, malaki ang bahang susuungin ko pag lumabas ako para bumili ng pagkain para sa lunch and dinner. Wahuhuhu!!!
Lakas loob, sinuong ko ang lagpas tuhod na baha sa labas para makabili ng pagkain. E kasi, di talaga pwedeng hindi naman kakain di ba? Di ko maiintay humupa ang baha dahil baka kinabukasan pa yun...
Pagdating ko sa kalsada, malakas ang current ng tubig-bahang nakikiraan. Pambihira. Kung hindi sa tulong ng mga matipunong barangay tanod, hindi ako makakatawid at makakabalik sa bahay na dala ang mga pagkain from our friendly neighborhood convenience store (read: sari-sari store). E di masaya dahil may pagkain naman... Nagbalik ako sa favorite food ko nuong High School ako: corned beef omelet! Hahaha!!!
Pero ang pinaka-nakakasuya sa lahat ay ito: paglabas ko kaninang umaga para pumasok, may nadaanan akong dead rat sa labas, na ang ibig sabihin, kasabay ko syang lumalangoy sa tubig baha kahapon!!! Waaahhh!!!
Si Frank talaga! Kainis!!!
No comments:
Post a Comment